Sabado, Abril 9, 2016

HASIK NG DILIM SA TAN PAEL


Si Col. Angeles ay nakarinig ng malakas na ingay sa kanyang balkunahe.
                “Magandang gabi, Col.!”
                “Magandang gabi naman. Anu’t ano naparito kayo?” tanong ng colonel na hawak-hawak ang kalibre 45.
                “Si Juanito po ‘yong agent natin sa Tan Pael.”
                “Anong nangyari sa kanya?”
                “Wala na po siya, Col.”
                “Bullshit!”
                Agad na pumasok sila at nagkontak ang colonel sa Intel.
                “Si Col. Alejandro Angeles ito. We’ve better plan a new strategy. My agent in Tan Pael is down. Hindi pa ito alam ng Malacañan.”
                “Okay, pumunta ka ngayon sa opisina ko in 1900 hours,” sagot ng tawag sa telepono.
                “Okay, sir!”
                Minabuti ni Col. Angeles at ng kanyang tauhan na hindi muna ipaalam sa katas-taas ang mga pangyayari. Sa di inaasang galit ni Col. Angeles pumunta siya sa piitan ng unang taong nadakip sa kasalanang pagging pusser sa nasabing lugar. Komunsulta si Col. Angeles sa mga kawani ng munisipyo at pulis. Hanggang nasabi ni alyas Boy Tulak ang mga taong sangkot sa pagtutulak ng droga at kung sinu-sino ang mga taong gumagamit nito. Ang nasabing mga pangalan ay agad na ipinaalam sa mga kawani nang naturang barangay.
                Sa kabilang parti ang mga armadong tauhan ni Manuel alias Pal-ak ay sinigurado na secure ang lahat.
                “Bokloy?” tawag ni Manuel sa kanyang kanang kamay sa lugar.
                “Ano yun, Pang?”
                “Magtipon kayo ng mga tauhan mo. Siguraduhing naka plano ang lahat. Alam na ninyong na tiktikan na tayo. ‘Yong mga epektos at armas siguraduhing may nakabantay. At sa iba pang nahuli, ikaw na ang bahala.
                “Masusunod, Pang!”
                Sa pagtitipon ng NBI, CIDG AT PDEA enforcers na balak iraid ang lugar. Agad na nakarating sa kay Manel ang balitang ito. Kaya ang mga tauhan niya ay agad ring bumuo ng pwersa. Mahigit kumulang 107 ang nasa harapan at 57 ang nasa likuran na nakaalerto at nakabantay dito. Hindi pa dito kasali ang mga pamilya ng mga armadong sibilyan.
                “Hahahahahaha!....”
`               “May balak pala silang looban itong teritoryo ko. Nagkakamali sila ng taong babanggain,” ang sambit ni Manuel na habang naglilinis ng kanyang rifle 47.
                2100 hours nakarating ang mga NBI, CIDG at PDEA para iraid na ang lugar. Subalit sa pangyayaring ito malayo pa lang sila ay sinalubong na mga armadong tauhan ni Manuel. Lubos na nahirapan ang mga pulisya. Minabuti nila na lumayo ng konti sa lugar at bumuo ulit ng panibagong plano at ruta sa pag-raid. Tumawag agad si Insp. Macalinao kay Col. Angeles para dagdagan ang kanyang mga tauhan sa pagsugpo sa mga tauhan ni Manuel. Sinigurado ng mga kinauukulan na walang makakatakas na mga criminal sa pag-raid na pinaghahandaan nila.
                “Okay men let’s move out,” sigaw ni Insp. Macalinao sa mga kasamahan.
                Pinalibutan ang buong lugar ng mga tagapagtanggol at armadong kasamahan ni Insp. Macalinao at Atty. Gerswin ang buong barangay ng Tan Pael. Pinilit nilang huwag masama ang mga sibilyan na nakatira sa lugar. Hanggang sa pangyayaring napasok ang siyang kuta ng mga kriminal na pinamumunuan ni Manuel.
                “Si Insp. Macalinao ito. Manuel, sumuko na kayo. Pinaliligiran na kayong lahat. Wala na kayong takas sa pagkakataong ito,” pa sigaw na sabi ni Insp. Macalinao.
                Pero sa makatuwid na sumuko ay nagmamatigas pa rin si Manuel at ang grupo niya. Pinagbabaril ang mga pulis sa harap ng bahay niya.
                “Alam mo Macalinao, maling tao ang binangga mo. Hindi ka na sisikatan ng araw dito,” pa saring na sigaw ni Manuel.
                Maya-maya ay lumabas si Manuel na may hostage na tinutukan niya ng kanyang baril sa ulo nito.
                “Hoy, Inspector! Para maging quits tayo bibigyan kita ng 100 milyon at ng mga tauhan mo ng tig-10 milyon para lang patakasin kami ng mga kasamahan ko,” patawang sabi ni Manuel.
                “Hindi kami bayarang tao na nagpapatupad ng batas Manuel. Hindi kami katulad mo,” sigaw ni Insp. Macalinao kay Manuel sa harapan ng bahay.
                Galit na galit na si Insp. Macalinao. Kinuha niya nga sniper rifle ng kasamahan niya at itinutok ito ng patago sa ulo ni Manuel. Habang dahan-dahang naglalakad sa garahe si Manuel at ang hostage biglang itinaas ni Manuel at itinutok ang baril sa pulis na papalapit sa kanya kaya sa ganitong pangyayari pinaputukan ni Insp. Macalinao ng hawak nitong rifle. Agad naman itong tumama sa ulo ng kriminal na si Manuel. Sumugod at nagpaputok rin ang mga pulis pa pasok ng bahay.
                Sa pagtatapos nakulimbat ang mga aparatos sa paggawa ng droga at armas. Ang mga drogang nakalap sa bahay ni Manuel ay nagkakahalaga ng 1.8 Trilyong peso at 3.5 bilyong pera. Kinasuhan ang mga opisyales ng lugar na sangkot sa ilegal na negosyo at pangungurakot sa kaban ng bayan.

                Kinalaunan, pagkatapos ng trahedya sa Tan Pael ay nanumbalik rin ang katahimikan at kapayapaan sa lugar. Naging Drug Free na ang Tan Pael at may kanya-kanyang mga negosyong mapagkikitaan sa mabuting paraan ang mga residente sa lugar. 

Biyernes, Abril 8, 2016

Tigbauan Treasure: THE GOLDEN STO. NIÑO



“Despertar Padre Chirino!” ang dali-daling pagkatawag ni Jullo na kanyang tagapamahala ng dormitory.
“Porque, Jullo?” ang pagkasabi ni Padre Chirino habang nagpupunas ng kanyang mga mata.
“El Gobernador de la provincial deme de Iglesia.”
Dali-daling bumangon si Padre Chrino sa pagkakarinig na ang gobernador ng probinsya ay pupunta sa kanyang dormitory. Habang naglalakad ay napahinto siya at nakatitig sa imahe ni Senior Sto. Niño sa harap ng altar.
“Mi ayudar la Senior Sto. Niño!”
Nang nakarating na ang gobernador sa simbahan naka-ayos na ang lahat sa tulong ng mga estudyante ni Padre Chirino sa kanyang unang paaralan.
“Buenas dias, Gobernador!” ang bati ni Padre Chirino.
“Buenas dias, Padre Chirino!” ang pagbati din ng gobernador habang naka halik sa kamay ni Padre Chirino.
“Como esa Vd?”
“Bueno constantemente!”
“Quiero saber la hora de la Senior Sto. Niño de oro?”
Napahinto si Padre Chirino sa pagkakasabi ng gobernador tungkol sa ginintuang santo ng Senior Sto. Niño. Sa pagkakahinto pawing napa-isip sila kung ang ginintuang santo na matagal nang nakabaon sa simbahan bago paman ito maitayo. Hanggang noong kapanahonan ay hindi parin matukoy kung saan talaga sa simbahan iyon nakabaon. Balak sanang hukayin ang mga kasuluksulukan ng simbahan para hanapin ito. Pero huli na ang lahat para kay Padre Chirino na ipahukay ito dahil naglabas ng panibagong dekreto si Obispo Salazar na palitan muna sa panunungkulan si Padre Chirino ni Padre Montoya sa kadahilanan na palaging nasa Manila si Padre Chirino.
Bukod sa kaalaman ni Padre Chirino alam din ng ibang pari ng Society of Jesus ang tungkol dito.
“Quien viene?” ang tanong ni Padre de Castro sa kasama niyang si Padre Serrano.
“No le conozco.”
“Schedele usted.”
“Buenas noches!” ang pagkabati ni Padre de Castro sa taong paparating.
“Como es la gracia de Vd?” ang tanong ni Padre Serrano sa binatilyo.
“Me Ilamo Alejandro Nuñez para servirle a Vd,” ang sabi ng binate sa dalawang Fray.
“Dispenseme Vd. caballero –“ ang pagkasabi ni Padre Serrano pa paalis.
Sa pagkakaalis ni Padre Serrano ay napag-usapan ang tungkol sa ginintuang santo. Habang nag-uusap ang dalawa ay nabigla sila nang may narinig na ingay sa kumbento. Hindi nasiyahan ang dalawa sa narinig na ingay dahil nanggagaling ito sa ilalim ng simbahan.
Samantala habang nasa Manila si Padre Chirino ay sumulat parin ito sa alcalde ng syudad na pahintulutan ang panibagong disenyo ng simbahan. Bukod ditto para din mabuksan ang kauna-unahang eskwelahan para sa mga lalaki ang simbahan ng Tigbauan. Nagging sapat naman ang mga materyales sa pagbuo ng panibagong disenyo ng simbahan. Ang mga reliyosong residente ng Tigbauan ay tumulong din sa pag-aayos ng simbahan.
Habang naghuhukay ang tatlong tao na sila Crisantimo, Gabriel at Aurelio na para sa pundasyon ng simbahan ay nabigla sila sa nahukay nilang kaban. Ibinalita nila ito agad sa mga pari ng simbahan.
“Padre may nakit-an kami nga kaban. Lantawa to bala Padre tama run gid ka daan,” ang pasigaw na sabi ni Aurelio habang patakbo papalapit kay Padre de Castro.
“Dios mio Aurelio,” ang sambit ni Padre de Castro na dali-daling pumunta sa natagpuang kaban.
Sa pagkakabukas ng kaban ay nasilaw ang apat sa ginintuang santo at iyon ang santo ng Senior Sto. Niño na matagal ng panahon na nakabaon sa simbahan ng una pang mga paring Espanyol. Dali-daling ipinaalam ng pari ang nakitang santo sa simbahan.
Ang natagpuang santo ni Senior Sto. Niño ay nagkalat sa buong lugar ang balita. Kaya minabuti na lang na buksan ang simbahan para Makita ng mga parokyanong residente ang ginituang santo. Bumisita din si Don Esteban Rodriguez de Figueroa upang Makita ang ginintuang santo. Namangha ang Don ng Tigbauan sa ilalim ng Hari ng Espanya. Sa nakita niya binalak niyang ibigay sa Hari ang santo bilang regalo pero hindi ito pinanghintulutan ng mga residente ang nasabing pagbabalak ni Don Esteban.
Sa pagpapakita ng santo sa mga tao ay nagging masagana ang ani at mayabong ang mga tanim na gulay. Bukod ditto nagging masagana din ang pangingisda sa dagat ng mga tao. Nagdiwang ang mga tao dahil sa mga biyayang natanggap nila sa santo at sa Poong Maykapal.
Isang araw nawala ang ginintuang santo sa loob ng simbahan. Nagalit ang mga residenteng parokyano sa pangyayari. Suspetsa nila na ang ginintuang santo ay nakuha ni Don Esteban para dalhin sa Hari ang nasabing santo ng Senior Sto. Niño. Ilang buwan at taon ang nagdaan ay hindi parin makita ang santo. Nalungkot ang mga tao at nagbunyi ng galit sa mga kastila.
Sa utos ni Padre Montoya at sa ilalim ni Obispo Salazar na palitan ang kanilang patron na “La Virgin de Guia” sa kay Senior Sto. Niño bilang parokya ng simbahan. Pero ilang buwan pa lamang ay napalitan ang patron ng San Juan de Sahagun dahil sa milagrosong natanggap ng mga parokyanong residente sa Tigbauan.
Hanggang ngayon hindi parin nakikita ang nawawalang ginintuang santo ng Senior Sto. Niño.