“Magandang
gabi, Col.!”
“Magandang gabi naman. Anu’t ano naparito kayo?”
tanong ng colonel na hawak-hawak ang kalibre 45.
“Si Juanito po ‘yong agent natin sa Tan Pael.”
“Anong nangyari sa kanya?”
“Wala na po siya, Col.”
“Bullshit!”
Agad na pumasok sila at nagkontak ang colonel sa
Intel.
“Si Col. Alejandro Angeles ito. We’ve better plan a
new strategy. My agent in Tan Pael is down. Hindi pa ito alam ng Malacañan.”
“Okay, pumunta ka ngayon sa opisina ko in 1900
hours,” sagot ng tawag sa telepono.
“Okay, sir!”
Minabuti ni Col. Angeles at ng kanyang tauhan na
hindi muna ipaalam sa katas-taas ang mga pangyayari. Sa di inaasang galit ni
Col. Angeles pumunta siya sa piitan ng unang taong nadakip sa kasalanang
pagging pusser sa nasabing lugar. Komunsulta si Col. Angeles sa mga kawani ng
munisipyo at pulis. Hanggang nasabi ni alyas Boy Tulak ang mga taong sangkot sa
pagtutulak ng droga at kung sinu-sino ang mga taong gumagamit nito. Ang
nasabing mga pangalan ay agad na ipinaalam sa mga kawani nang naturang
barangay.
Sa kabilang parti ang mga armadong tauhan ni Manuel
alias Pal-ak ay sinigurado na secure ang lahat.
“Bokloy?” tawag ni Manuel sa kanyang kanang kamay sa
lugar.
“Ano yun, Pang?”
“Magtipon kayo ng mga tauhan mo. Siguraduhing naka
plano ang lahat. Alam na ninyong na tiktikan na tayo. ‘Yong mga epektos at
armas siguraduhing may nakabantay. At sa iba pang nahuli, ikaw na ang bahala.
“Masusunod, Pang!”
Sa pagtitipon ng NBI, CIDG AT PDEA enforcers na balak
iraid ang lugar. Agad na nakarating sa kay Manel ang balitang ito. Kaya ang mga
tauhan niya ay agad ring bumuo ng pwersa. Mahigit kumulang 107 ang nasa harapan
at 57 ang nasa likuran na nakaalerto at nakabantay dito. Hindi pa dito kasali
ang mga pamilya ng mga armadong sibilyan.
“Hahahahahaha!....”
` “May balak pala silang looban itong teritoryo ko.
Nagkakamali sila ng taong babanggain,” ang sambit ni Manuel na habang naglilinis
ng kanyang rifle 47.
2100 hours nakarating ang mga NBI, CIDG at PDEA para
iraid na ang lugar. Subalit sa pangyayaring ito malayo pa lang sila ay
sinalubong na mga armadong tauhan ni Manuel. Lubos na nahirapan ang mga
pulisya. Minabuti nila na lumayo ng konti sa lugar at bumuo ulit ng panibagong
plano at ruta sa pag-raid. Tumawag agad si Insp. Macalinao kay Col. Angeles
para dagdagan ang kanyang mga tauhan sa pagsugpo sa mga tauhan ni Manuel.
Sinigurado ng mga kinauukulan na walang makakatakas na mga criminal sa pag-raid
na pinaghahandaan nila.
“Okay men let’s move out,” sigaw ni Insp. Macalinao
sa mga kasamahan.
Pinalibutan ang buong lugar ng mga tagapagtanggol at
armadong kasamahan ni Insp. Macalinao at Atty. Gerswin ang buong barangay ng
Tan Pael. Pinilit nilang huwag masama ang mga sibilyan na nakatira sa lugar.
Hanggang sa pangyayaring napasok ang siyang kuta ng mga kriminal na
pinamumunuan ni Manuel.
“Si Insp. Macalinao ito. Manuel, sumuko na kayo.
Pinaliligiran na kayong lahat. Wala na kayong takas sa pagkakataong ito,” pa
sigaw na sabi ni Insp. Macalinao.
Pero sa makatuwid na sumuko ay nagmamatigas pa rin si
Manuel at ang grupo niya. Pinagbabaril ang mga pulis sa harap ng bahay niya.
“Alam mo Macalinao, maling tao ang binangga mo. Hindi
ka na sisikatan ng araw dito,” pa saring na sigaw ni Manuel.
Maya-maya ay lumabas si Manuel na may hostage na
tinutukan niya ng kanyang baril sa ulo nito.
“Hoy, Inspector! Para maging quits tayo bibigyan kita
ng 100 milyon at ng mga tauhan mo ng tig-10 milyon para lang patakasin kami ng
mga kasamahan ko,” patawang sabi ni Manuel.
“Hindi kami bayarang tao na nagpapatupad ng batas
Manuel. Hindi kami katulad mo,” sigaw ni Insp. Macalinao kay Manuel sa harapan
ng bahay.
Galit na galit na si Insp. Macalinao. Kinuha niya nga
sniper rifle ng kasamahan niya at itinutok ito ng patago sa ulo ni Manuel.
Habang dahan-dahang naglalakad sa garahe si Manuel at ang hostage biglang
itinaas ni Manuel at itinutok ang baril sa pulis na papalapit sa kanya kaya sa
ganitong pangyayari pinaputukan ni Insp. Macalinao ng hawak nitong rifle. Agad
naman itong tumama sa ulo ng kriminal na si Manuel. Sumugod at nagpaputok rin
ang mga pulis pa pasok ng bahay.
Sa pagtatapos nakulimbat ang mga aparatos sa paggawa
ng droga at armas. Ang mga drogang nakalap sa bahay ni Manuel ay nagkakahalaga
ng 1.8 Trilyong peso at 3.5 bilyong pera. Kinasuhan ang mga opisyales ng lugar
na sangkot sa ilegal na negosyo at pangungurakot sa kaban ng bayan.
Kinalaunan, pagkatapos ng trahedya sa Tan Pael ay
nanumbalik rin ang katahimikan at kapayapaan sa lugar. Naging Drug Free na ang
Tan Pael at may kanya-kanyang mga negosyong mapagkikitaan sa mabuting paraan
ang mga residente sa lugar.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento