Biyernes, Abril 8, 2016

Tigbauan Treasure: THE GOLDEN STO. NIÑO



“Despertar Padre Chirino!” ang dali-daling pagkatawag ni Jullo na kanyang tagapamahala ng dormitory.
“Porque, Jullo?” ang pagkasabi ni Padre Chirino habang nagpupunas ng kanyang mga mata.
“El Gobernador de la provincial deme de Iglesia.”
Dali-daling bumangon si Padre Chrino sa pagkakarinig na ang gobernador ng probinsya ay pupunta sa kanyang dormitory. Habang naglalakad ay napahinto siya at nakatitig sa imahe ni Senior Sto. Niño sa harap ng altar.
“Mi ayudar la Senior Sto. Niño!”
Nang nakarating na ang gobernador sa simbahan naka-ayos na ang lahat sa tulong ng mga estudyante ni Padre Chirino sa kanyang unang paaralan.
“Buenas dias, Gobernador!” ang bati ni Padre Chirino.
“Buenas dias, Padre Chirino!” ang pagbati din ng gobernador habang naka halik sa kamay ni Padre Chirino.
“Como esa Vd?”
“Bueno constantemente!”
“Quiero saber la hora de la Senior Sto. Niño de oro?”
Napahinto si Padre Chirino sa pagkakasabi ng gobernador tungkol sa ginintuang santo ng Senior Sto. Niño. Sa pagkakahinto pawing napa-isip sila kung ang ginintuang santo na matagal nang nakabaon sa simbahan bago paman ito maitayo. Hanggang noong kapanahonan ay hindi parin matukoy kung saan talaga sa simbahan iyon nakabaon. Balak sanang hukayin ang mga kasuluksulukan ng simbahan para hanapin ito. Pero huli na ang lahat para kay Padre Chirino na ipahukay ito dahil naglabas ng panibagong dekreto si Obispo Salazar na palitan muna sa panunungkulan si Padre Chirino ni Padre Montoya sa kadahilanan na palaging nasa Manila si Padre Chirino.
Bukod sa kaalaman ni Padre Chirino alam din ng ibang pari ng Society of Jesus ang tungkol dito.
“Quien viene?” ang tanong ni Padre de Castro sa kasama niyang si Padre Serrano.
“No le conozco.”
“Schedele usted.”
“Buenas noches!” ang pagkabati ni Padre de Castro sa taong paparating.
“Como es la gracia de Vd?” ang tanong ni Padre Serrano sa binatilyo.
“Me Ilamo Alejandro Nuñez para servirle a Vd,” ang sabi ng binate sa dalawang Fray.
“Dispenseme Vd. caballero –“ ang pagkasabi ni Padre Serrano pa paalis.
Sa pagkakaalis ni Padre Serrano ay napag-usapan ang tungkol sa ginintuang santo. Habang nag-uusap ang dalawa ay nabigla sila nang may narinig na ingay sa kumbento. Hindi nasiyahan ang dalawa sa narinig na ingay dahil nanggagaling ito sa ilalim ng simbahan.
Samantala habang nasa Manila si Padre Chirino ay sumulat parin ito sa alcalde ng syudad na pahintulutan ang panibagong disenyo ng simbahan. Bukod ditto para din mabuksan ang kauna-unahang eskwelahan para sa mga lalaki ang simbahan ng Tigbauan. Nagging sapat naman ang mga materyales sa pagbuo ng panibagong disenyo ng simbahan. Ang mga reliyosong residente ng Tigbauan ay tumulong din sa pag-aayos ng simbahan.
Habang naghuhukay ang tatlong tao na sila Crisantimo, Gabriel at Aurelio na para sa pundasyon ng simbahan ay nabigla sila sa nahukay nilang kaban. Ibinalita nila ito agad sa mga pari ng simbahan.
“Padre may nakit-an kami nga kaban. Lantawa to bala Padre tama run gid ka daan,” ang pasigaw na sabi ni Aurelio habang patakbo papalapit kay Padre de Castro.
“Dios mio Aurelio,” ang sambit ni Padre de Castro na dali-daling pumunta sa natagpuang kaban.
Sa pagkakabukas ng kaban ay nasilaw ang apat sa ginintuang santo at iyon ang santo ng Senior Sto. Niño na matagal ng panahon na nakabaon sa simbahan ng una pang mga paring Espanyol. Dali-daling ipinaalam ng pari ang nakitang santo sa simbahan.
Ang natagpuang santo ni Senior Sto. Niño ay nagkalat sa buong lugar ang balita. Kaya minabuti na lang na buksan ang simbahan para Makita ng mga parokyanong residente ang ginituang santo. Bumisita din si Don Esteban Rodriguez de Figueroa upang Makita ang ginintuang santo. Namangha ang Don ng Tigbauan sa ilalim ng Hari ng Espanya. Sa nakita niya binalak niyang ibigay sa Hari ang santo bilang regalo pero hindi ito pinanghintulutan ng mga residente ang nasabing pagbabalak ni Don Esteban.
Sa pagpapakita ng santo sa mga tao ay nagging masagana ang ani at mayabong ang mga tanim na gulay. Bukod ditto nagging masagana din ang pangingisda sa dagat ng mga tao. Nagdiwang ang mga tao dahil sa mga biyayang natanggap nila sa santo at sa Poong Maykapal.
Isang araw nawala ang ginintuang santo sa loob ng simbahan. Nagalit ang mga residenteng parokyano sa pangyayari. Suspetsa nila na ang ginintuang santo ay nakuha ni Don Esteban para dalhin sa Hari ang nasabing santo ng Senior Sto. Niño. Ilang buwan at taon ang nagdaan ay hindi parin makita ang santo. Nalungkot ang mga tao at nagbunyi ng galit sa mga kastila.
Sa utos ni Padre Montoya at sa ilalim ni Obispo Salazar na palitan ang kanilang patron na “La Virgin de Guia” sa kay Senior Sto. Niño bilang parokya ng simbahan. Pero ilang buwan pa lamang ay napalitan ang patron ng San Juan de Sahagun dahil sa milagrosong natanggap ng mga parokyanong residente sa Tigbauan.
Hanggang ngayon hindi parin nakikita ang nawawalang ginintuang santo ng Senior Sto. Niño.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento